Tuesday, June 9, 2009

Larong Mahirap Makalimutan

Dito mag sisimula ang Kwentu!

Highschool life ko at ng pinsan ko,
iisa ang school na pinapasukan namin,
un nga lang ako 2nd year na, xa 1st year
palang,one time nag kaayaan.. na subukan
ang bagay na takot subukan ng karamihan.

'Spirit of the Coin'

Akala ko nga walang sasama pero may sumama
sa barkada nya,dalawa,okay naman sila kasi
close ko naman lahat ng barkada ng pinsan ko.

Eh,kc nabalitaan ren kc namin na totoo nga
ung mga larong ganun,kaya inalam namin ung
orasyon.Galing saking matalik na kaibigan,
di daw salitang alien o kahit ano pa ang ..
orasyon.. tagalog talaga yun orasyon na ginamit
nila nung time na sumubuk ren sila mag laro.

BALITA:isang 2rd year student daw
ang sinasapian matapos,mag laro ng Spirit of the
Coin,na kasama ang mga kaklase,sa bahay ng isang
estudyante.

Kilala ko siya kc barkada ko xa,pero hindi ako kasama
nuong time na nag laro sila.

Syempre,ako matigas
ang ulo na curious talaga ako as in. Alam nyo
yun feeling ng isang tao pag gustu nyang mag imbestiga
ganun kakulit un utak ko,gustu ko ren maranasan,
makakausap ng mga Ispirito.

Balik tayo sa kwentu naming apat.. pag uwe galing
school,umuwe muna ung mga barkada ng pinsan ko sa
bahay nila,para mag paalam na nasa bahay lang namin
sila,edi nag handa na ako,nag kandila at isang board
para magamit sa pag tawag ng espirito,dumating na!

Sa Kwarto ko.
MADILIM! kelangan patay ang ilaw.

Nag simula na kami,ng orasyon "mga dasal" para malaman
kung anjan na ung espirito,naguguluhan ako sabi ko pa nga
walang mang loloko ha 'in a serious way' tapos nag simula
na ko ng dasal,sabay sabay na kaming nag si bangitan ng
orasyon,di tumagal ilang segundo lang gumagalaw na ung
coin,sa takot ng isang kaibigan ni insan 'napa takbo' edi
pinag patuloy namin tatlo,Ako c Insan at ung Kaibigan.

Habang hawak ang baryang piso,
may espirito na,'gumagalaw na!? or may nag papagalaw!?
ung ang tanung ko sa dalawa sabi nila,inde ako inde ako,
edi cnu pa nga ba kundi ako inde ren sila edi may ispirto na nga.

Nagulat ako at takot na takot
pero gustu kong malaman kung anjan na nga ba talaga
nag tanung kami,isa isa,pangalan,anung kinamatay o lalaki o
babae ba sya "sumagot" tanda ko ang ilang sagot pero
dahil highschool pa ko nun may nalimutan naren ako.

Maya maya,biglang namatay ang kandila di namin alam kung cnu ang
may gawa,walng hangin dun sa kwarto kc sarado lahat as in
lahat lahat.

"karipas ang takbo ng bawat isa samin"
pababa ng kwarto.

Tanung ko diba dapat natapos namin un at naisarado ng maaus
pero sa totoo lang wala akung idea panu mag sara ng ganung ritwal
nakalimutan namin mag tanung kung panu tatapusin ang ganung dasal
or ritwal.

Kinabukasan.
kakauwe lang namin ng pinsan ko galing school.

Ung isa sa mga friend ng pinsan ko,tumatakbo.. papunta
sa bahay namin,wala sa katinuan,pumunta ng bahay namin
na walang tsinelas e malayo kaya ung bahay nila samin.

At parang nasisiraan or nasasapian.
tapos may sinasabi sya,na naiintindihan namin,nag sasalita
sya tungkol sa ginawa naming pagtawag sa espirito.

Nagulo ung buong eskinita dahil nag wawala na ung kaibigan ni insan.
SINASAPIAN NA! Dahil sa takot,ako at ang aking pinsan tumakbo,papalayo,
sa kanyang kaibigan,nag tago kami,at hindi lumabas hanggang
di pa dumadating ung pastor na mag sasagawa ng orasyon sa
kaibigan ng aking pinsan.

At dumating na "Pastor"
pinapatawag kami,hinahanap kami ng kaibigan ni Insan,.. pero
nung pumunta na kami,at inuusisa kami ni Pastor sa kalokohan
namin,inuusisa kami ni Pastor..
bigla namin narinig na sumigaw ung kaibigan niya 'sinasapian'
ang sabi,kayong dalawang bata sa labas Huwag niyo kung pag usapan!
edi natakot kami,umuwe uli kami pag katapos namin mag kwentu sa Pastor.

Kinabukasan pasuk na naman sa eskwelahan.
Kami ni insan nakapasok pero ni anino nung dalawa nyang barkada wala na.
Madaming araw ang lumipas.

Isang araw
hindi paren pumapasok yung kaibigan ni Insan,pati ung isa,nag biro pa ko
"mukang natuluyan" makalipas ng maraming ulit na linggo... lumitaw
na ang kaibigan pero nag iba na,pag hindi na sya ung makulit at
maingay na kaibigan ni insan,daming nag bago,sa takot ko ni hindi
ko na sinubukang ungkatin pa ang kalokohan aming nasimulan.

2009 na,2006 ng umalis ako sa bahay namin dun sa manila,
pag ka hinto ko ng college umuwe na ko sa cavite,
kc kung cnu cnu na ang tumatao 'tao na di nkikita or ispirito' sa kwarto ko pag wala ako,
sabi ni tito Dario may lalaki daw duon naka higa sa sahig nakita daw nya,AUKO maniwala pero
natatakot talaga ako kasi lalaki yung naka usap namin nung sumubuk kaming mag laro ng Spirit of the Coin.

'sabi nila,ang mga taong madaling saniban ng Ispirito,e ung mga taong
mahina ang pananalig sa Diyos na lumikha'

No comments:

Post a Comment